Karapatan ng mga hayop

Ang mga hayop ay mahalaga para sa ating mga tao dahil bawat hayop ay may kanya kanyang katangian o kaugalian. Parang tao lang din mahalaga ang mga hayop dahil ilan sa mga hayop ay nakakatulong sa ating kalikasan. Kaya naman huwag nating patayin ang mga hayop dahil hindi lahat ng hayop ay nakakapurwisyo ang hayop ang kadalasang nakakalinis sa ating kalikasan o kagubatan. Ang hayop ay may kanya-kanyaring nararamdaman sila ay nasasaktan din gaya nating mga tao.
Ang karapatan ng mga hayop ay ibigay dapat natin sa kanila maliban nalang kung ang gagawin ng hayop ay makakaganda sa ating kalikasan. kung sakali naman ito ay makakasama sa ating mga tao ay huwag nalang nating patayin ito ay gawan nalang natin ng paraan upang hindi makasalanta sa ating mga tao.
Ang ibang hayop ay nag bibigay aliw sa ating mga tao. Kaya huwag nating saktan ang mga hayop ang hayop ay hindi mananakit sa ating mga tao kung wala tayong ginagawa sa kanilang masama. Para naman sa aking opinyon para sa ating mga tao kung sakaling may pamilya ay ituro natin sa kanila ang makakabuti sa mga hayop. Kung sakaling ikaw ang nakakaalam o nakakaintindi para hindi masaktan ang mga hayop ay ituro natin sa kanila. bigyang halaga natin ang lahat ng may buhay sa mundo at ang lahat ng kapakipakinabang.


 

Mga Komento